Akala nila nagbibiro ako at ni hindi sineryoso ni Mary Eta na may kaso na sinampa laban sa kaniya at kay Charlie Papa.
Nitong mga nakaraang araw, natanggap ni Mary Eta at Charlie Papa ang kasong PERJURY na isinampa laban sa kanila sa tanggapan ng Piskalya ng Mandaluyong.
Ang bintang : Nagsinungaling umano sila Mary Eta at Charlie Papa sa kanilang deklarasyon na isinumite sa SEC nang kanilang sinabi na nagkaroon ng General Membership Meeting noong October 2010 at October 2009 kung saan nahalal umano ang 14 na Director ng brigade na siyang mangangasiwa sa Brigade.
Kayo, mga kapwa ko bumbero, may inattendan ba kayo na General Meeting noong October kung saan naghalal tayo ng 14 na direktor?
At kayong mga direktor, di naman pala kayo direktor talaga dahil ang mga pinasok ni Mary Eta at Charlie Papa na direktor ay 14 lamang. Ilan ba ang direktor lahat ng Brigade? Di ba mahigit isang daan?
Anong kababalaghan ito?
Anyway, sinasabing tumaas nanaman ang presyon ni Mary Eta sa bagong pagsubok na kaniyang haharapin.
Sabi ng isang nililigawan ko dati, "maraming pagsubok".
No comments:
Post a Comment