Monday, April 18, 2011

Tanong ni Akolang

Akolang ayon kay ...
Kuya reformist, tanong ko lang... nasaan po yung english by-laws? di po ba dapat may copya ang SEC ng pilipinas yun? pwede po ba natin makita?

yung chinese by-laws? sino-sino po yung may akda noon? di po ba dapat pareho nag idea ng dalawang by-laws, kung kaya di po ba dapat direct translation?

sino-sino po yung pumayag sa pag-palit ng by-laws? di po ba dapat may consensus ng board of directors bago ito mapalitan o madagdagan?

hindi po sa kinakampihan ko si mr. Violet, but according sa wikipedia and binan ay parte ng GMA.
http://en.wikipedia.org/wiki/Greater_Manila_Area
subalit, ano po sa sinabi sa chinese by-laws.
manila lang b or metro manila or greater manila or NCR?

sana po meron tayo kopya ng Chinese by-laws, tanong ko lang ulit... kikilalanin po ba ng gobyerno ng pilipinas yung Chinese by-laws? o dapat translated?

pacenya na po sa mga tanong ko... 


=================================================================

Dear Ikawlang,
Una sa lahat ay maraming salamat sa iyong katanungan.  Wish ko lang na sana ako ay si Brad Pit nang ang lahat ng aking isasagot ay maaring mabasa.
Anyway, para sa tanong mo, gaya ng tinuran ko noon, wala naman naging problema kung kaya wala naghahanap ng kopya ng By-Laws.  Lubos ang ating pagtitiwala sa mga nangangasiwa ng Brigade NOONG ARAW na ang kapakanan ng Association ang iniintindi at pinangangalagaan nila at hindi pansariling kapakanan.

Noong nagkaroon lang ng problema, tsaka lang pinaalam sa Brigade ng tropang Mr. Ube na may ibang by-laws pa pala na sinusunod.  Hindi DAW dapat sundin ang Chinese by-laws, dapat daw ang English kasi nga yun ang nakarehistro at aprubado ng SEC.  

Para sa kaalaman ng lahat, ang by-laws na ito ay maaring makita sa SEC, hingi ka lang kopya, bibigyan ka na.  Better yet, since mukhang mga tech-savvy naman kayo, pwede kayo bumili ng i-card, para makapag view online.  Punta ka lang sa website ng sec, www.sec.gov.ph, at doon pwede mo na maaccess ang mga tinatanong mo na kopya online.

Sino ang naglabas at nagpaalam na may English by-laws pala?  Si Omar Francisco po at Beegee Gregorio.  At heto pa, sinabi pa nila na since nasa Pilipinas daw ang Association, ay dapat daw na English o Tagalog ang maging usapan sa mga meeting, dahil HINDI DAW NILA MAINTINDIHAN ang usapan.

Tama ba ito?

Anyway ulit, ang Chinese By-Laws, para sa kaalaman ng lahat ay hindi pareho ang laman sa English by-laws.  Kung ito pala ang gusto sundin, dapat ito ang inirehistro ng ating Founding Fathers.  

At matinding bakbakan ang naganap sa meeting ng mga direktor ng brigade.  Gusto ng tropang Mr. UBE na ang Chinese by-laws ang gamitin para "ma-accommodate" si Water Ludy sa pagiging Officer.

Ang siste, nung sinabi ng mga direktor na since yung Chinese By-laws ang gusto niyo sundin, implement natin yung "no-dual-membership" rule na nasa chinese by-laws.  Bagay na hindi inayunan ni Mr. UBE.

Kung hindi double standard yun, ano tawag dun?  Kung alin ang pabor sa kaniya, yun ang gusto masunod.

Anyway ulit ulit, gaya ng tinuran, hindi ganun kadali magrehistro ng bagong By-Laws sa SEC.  Ito ay may dadaanan na processo, gaya ng dapat ito ay kinatigan ng Majority ng LAHAT ng miyembro ng Brigade.

Bukod dito, ito ay pag-aaralan pa ng Legal Division ng SEC upang makita kung ang "proposed" by-laws ba ay naaayon sa Corporation Code at walang nilalabag na anumangbatas.

Sa ganang akin ay, hindi lulusot ang Chinese By-Laws dahil ito ay nagtatakda na SUCCESSION ang pagiging Presidente.  Ibig sabihin nito, ay nama-mana.  Hindi tayo kaharian o monarkiya para magkaroon ng pagmamana ng posisyon.  Marami nang Jurisprudence (o mga batas na nagtakda) tungkol dito at ito naman ay talagang kinamumuhian ng batas.

Tungkol naman sa Wikipedia, while you did refer to an article regarded by many as commonly accepted by majority, you failed however to note that Wikipedia is a site founded on "open-source" philosophy - meaning it is a community effort to upload "information" and bits of data into the site.  

Simply put, wikipedia is a site that allows the common-tao like you and me to upload information there.  The point I'm getting at is this :  all information posted at wikipedia are subject to correction, and changes and even total re-definition.  

Be that as it may, assuming that the article you mentioned is properly referenced and 100% accurate, you failed however, again, to translate what the Greater Manila Area actually really means.  

If I may quote the article, it says that "Greater Manila generally refers to the contiguous urbanization surrounding Metro Manila.".

And to avoid allegations that I am inventing replies here, may I refer you to the tagalog translation, also of Wikipedia, located at http://tl.wikipedia.org/wiki/Greater_Manila_Area.

I hope that this is a plain oversight on your part and not posted to cause confusion and satisfy self-serving motives.  We know for a fact that not all of our readers here, particularly the "oldies" have clear comprehension of the English language.  I mean no disrespect, but we have to put all things in perspective here.

It must be highlighted that the term Greater Manila Area, as stated by wikipedia is the "contiguous urbanization surrounding Metro Manila".   Sa tagalog, ang ibig sabihin ay "urbanisasyon na kumakalat sa buong Luzon na nagsimula sa Maynila hanggang nabuo ang Kalakhang Maynila".

If you will read the definitions, and analyze them correctly, it can be gleaned that the term GMA (for propriety) refers to an ACTION, or a VERB, perhaps even - an ADJECTIVE, not a NOUN.

Now I'm getting tired of "pagtipak", so if you do not know what a verb, an adjective or a noun is, I suggest you re-enroll with the Fire Chief of Quiapo who I understand is a High School Principal.

Bumbero ka naman e, malamang may special consideration, kahit na dapat elementary naturo sa yo yung Verb, Adjective at Noun.

No comments:

Post a Comment