Wednesday, April 13, 2011

Positive Alarm, 78!!!

Ang ingay ngayon sa frequency ng mga tsismosong magkakatropapips.

Kanilang pinupulaan ang advice ni Intensity Engine sa 23 nitong alarma sa Navotas Fish Port ngayon ngayon pa lang.
Ayon sa kanila, pag 23 daw ni Intensity, sigaw daw ito ng Positive Alarm, 78!!!

Bagay na sineryoso daw ng mga opisyal, na kung tutuusin ay mga kaibigan naman nila.  Nagpa-code 1 agad ang mga ito at talaga namang tatakbo para asistehan ang tropang si Intensity.
 
Pero ng maverify ng maigi ng Government, ito ay Rubbish Fire lang naman pala.

Tsk Tsk Tsk.

Magaling, Magaling.

Ni hindi man daw pina-alalahan ng operator na si choc-nut-nut ang mga ito, dahil si nut-nut alley daw ay tau-tauhan at pasok ni Mary Eta.

Kung nagkataon daw na sila yun, malamang daw ay natarayan na sila ni choc-nut-nut.

 Tanong :  Mataray ba talaga si Choc-nut-nut alley?

Sagot :  Ah, Eh...


Anyway, sana daw sa susunod ay iverify muna maigi bago magfeedback ng alarma.  At wag daw sana iinom ng kape na may gatas.  Kung kape daw, kape lang at kung gatas, ay gatas daw.


Nang aking tanungin kung bakit, sagot ng isang OIC, ang kape daw ay nakakapagpakaba at ang gatas naman ay nakakapagpalakas.  Pag pinagsama daw, nakakapagpalakas ng kaba!  

Bwahahaha

Akin namang pinagtanggol ang brigada na madaming tropa sa NBI.  Sabi ko, lahat naman ng tao nagkakamali.  Lalo na ngayon, magse-semana santa.  Patawarin na lang sana nila ang mga ito.

Di ba achi/ahia?
Get, get, AW!!!

9 comments:

  1. Hahahahahahahaha
    Lakas kasi magkape............Puro nut nut kasi... basta makatakbo lang....

    ReplyDelete
  2. hindi naman siguro dahil sa kape.... ang problema mga tropapits kung napakingan ninyo nag tanong ng operator at habang papalapit sa sunog siguro ang engine nag relay ang intensity sa operator ng positive, siguro lukso ng adrenalin... kaw na rin ang nag sabi reformist tao lang nagkakamali.... teka lang reformist.... ang reformist sa nakikita ko ay nais pagbabago dapt napuna in constructive way operation yan, hindi ang mga reformist at oportunista ang may kakaibang adhikain siguro kasi may narining akong tsimax di ko alam kung totoo o hindi si noodelie ay humingi din ng tulong sa brigade na kinamumuhian din niya dahil sa di sang ayon sa pagbabago.... dapat ang tirada sa taas hindi sa kapwa ninyo sa baba.... kaya reformist in constructive info bigay mo wag yung opeeration.... mukhang pati operation eh gusto na ninyo tirahin... hindi na pagbabago yan.... baka ingit na tawag diyan

    ReplyDelete
  3. ang nadinig nila ay ganito :

    IE : IE, 23
    Nut : copy, IE, 23
    Nut : query lang situation diyan? kung positive?
    IE : positive alarm, 78

    so yung tanong ng operator, hindi papalapit si IE, andun na siya.

    at gaya ng sinabi ko, pinagtanggol ko pa nga kayo sa kanila. kwento ko lang yung alingasngas sa radyo kagabi. hindi sakin galing, galing sa mga tropapips din ninyong mga taga ibang brigada.

    anyway, patawad po. di ko po sadya na makasakit ng damdamin.

    bai se ahia primo!

    ReplyDelete
  4. Sir Reporma, Di naman siuro maganda yun salitang tinitira.. Di siguro ganun ang pahiwatig ni Sir reformist. Kung tira lang... Tayo na lang mag tirahan hahaha...
    Seryoso muna tayo, Wah naman Tira or Tirahan ang wika na gamitin natin. Pwede naman siguro sabihin na Napuna, Napansin o Nakita...
    Pero pansin ko lang mukhang malakas mag kape...
    Peace mga kapatid...

    ReplyDelete
  5. uu nga ahia primo mali yung bugwit ko ... kaw kasi reformist yung bugwit mo at bugwit ko iisa kaya mali mali impormasyon nakukuha natin... papalitan ko na nga yang si bugwit.... ang salitang "tinitira" eh pananaw ko... ano pa ba ang blog na ito kaibigang hitler, ilabas ang gustong sabihin kaya sa akin ang salitang tinitira ay nais kong sabihin sa blog ... peace mga kapatid

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. tanong ko lang.... di bat marami na nagyaring ganito noon? bakit ngayon lang natin napuna ito?
    hindi ba't nag kamali rin tayo noon?

    ReplyDelete
  9. hindi tayo ang nagkamali ahia akolang sila sila ang nagkamali kaya natin nabuking. kung hindi sana sila gumawa ng mali ay wala tayong makikitang mali tama ba o mali hahaha ahia akolang?

    ReplyDelete