Tuesday, April 12, 2011

Sinitch Ititch!?

Sinitch Ititch!?

Sino itong presidente ng isang brigada sa timog kamaynilaan na nagpupumilit na tanggalin ang mga brigadang nagdemanda dahil sa sila daw ay "bago"?

Ang dahilan umano ay, dahil sa bago, di pa nila alam ang takbo ng Association kasi nga bago pa lang.

Ayon sa aking bugwit (na ilang beses na atang sumasablay), siya daw mismo ay bago din sa pagbubumbero.  Ni hindi nga daw ito bumbero kundi isang "aspiring" governator or president o kung ano man ang tawag sa pinuno ng isang Red Cross Chapter, na hindi natuloy.  Mas bumbero pa umano ang anak nitong dalaginding na girlet naman ng isang suPRIMO ng isang brigada sa maynila.

Kung bago din lang siya sa larangan ng pagbubumbero, aba, ano din naman ang alam niya sa Association?  Bakit siya agad naging Vice?  Dahil may pera?

Ayon pa sa aking bugwit, medyo sunog na sunog na daw itong si Mr. aspirant sa laging nauunsiyaming pag-upo sa pwesto.

Gaya ng tinuran sa taas, naunsiyami umano ang pag-upo nito bilang pinuno ng Red Cross Chapte sa kanilang lugar dahil sa di ko alam na dahilan.  Inis na inis umano ito dahil nagpagawa na umano ito ng naparakaming tarpaulin na nagko-congratulate sa kaniyang sarili sa pagiging bagong Presidente ng Chapter ng Red Cross, e nasayang lang.

Una pa dito, nauna na umano itong nahalal na Presidente ng isang Chapter ng isang Civic Organization na ang uniporme ay kulay Violet na Chaleko.  Ang kanilang grupo din ang nangangalaga at responsable sa isang Landmark na makikita pag tayo ay aakyat ng Baguio via Kennon (Clue : Hindi ito Tiger)

Subalit sa isang kadahilanan, nagkaron ng protesta sa kaniyang pamumuno, na umabot pa sa demandahan, (hindi sa korte, kundi internal sa kanila) na umabot pa umano sa Punong Tanggapan ng kanilang Organisasyon sa Illinois, US of A.

As expected, pinaboran ng Mother Organization ang reklamo kung kaya di din daw siya naka-upo sa grupong hindi Tiger.

Sunog na sunog na umano si Mr. Aspirant sa laging unsyaming pagiging leader kung kaya nung magkaron ng pagkakataon na maging presidente siya ng kanilang brigada sa timog kamaynilaan ay agad agad niya itong "sinunggaban", umano, kahit hindi siya taga rito.  (Tsk tsk tsk, hindi pala taga dun sa lugar pero nagpumilit magpresidente)

Dagdag pa dito, init at inip na daw si Mr. Aspirant kung kaya't nang tanungin kung pwede pa sila magka-ayos sa Brigade, ang sagot DAW nito ay "hindi na, gumastos na din kami e, naglabas na ko ng pera, tuloy na lang ang kaso".

Siya din umano ang pasimuno ng tangkang pag-gamit ng pera ng brigade sa pagbabayad sa tropang OMGee, na buti na lang hindi pinayagan.


In fairness to Mr. Aspirant, mabait naman nga ito at maganda naman ang kaniyang mga nagagawa so far sa kaniyang brigada.
Clue : 
  1. Bagong halal na Bise
  2. Nakasalamin
  3. Bilugan ang mukha, pero "cute"
  4. Mayaman
  5. Pinaka-mabait sa mga bise (siya lang daw kasi ang bumabati sa mga nagdemanda "despite everything")

3 comments:

  1. olay olay... Cute ba kamo... medyo nga.. mukhang kamatis hihiihiii.. Joke lang Po
    Pag masyado madaming pera dapat mamigay.. pero sa demandahan napunta... Ano say mo Sir reporma???

    ReplyDelete
  2. olay olay..... bagong expression yan ah pang bading...hahahahaha.... uu nga naman kabago-bago eh gusto tangalin ang mga bago... eh teka lang ang tanong ko yung mga bago alam nga kaya ang dahila o nakikisawsaw lang sa dahilan.... meron kasi diyan nag mamarunong kahit di marunong, meron naman diyan di marunong pero marunong.... saan ka ba hitler sa marunong na nag mamarunong o di marunong pero marunong,...ako sa 500k na alng na cash pang bayad sa abogado....hahahahha

    ReplyDelete
  3. Olay Olay Sir Reporma...
    Kung san ang 500K dun tayo.
    Wala ng kwenta marunong or di marunong.. sa sama ba ng panahon ngayon sino ba ayaw sa 500k...

    ReplyDelete