Bago natin ipakilala ang mga abogado ng mga nagdedemanda, atin munang talakayin ang kanilang mga presyo.
Alam na ng karamihan kung magkano ang presyo ng mga abogado ng mga Reformist (walang kinalaman sa blog na ito, pero teka, Reformist nga ba kayo o Repormista?). Pero para sa mga di nakakaalam, ipapaskil natin sa baba ang singilan :
Para sa mga nagdemanda :
Acceptance fee : 200,000, natawaran sa 150,000 (ano ba yan,
akala ko ba mapera mga nagdemanda? bakit tumawad?)
Appearance fee : 5,000 kada hearing, at 5,000 din kada meeting sa labas ng opisina ng law firm, PER LAWYER (maximum of 3 lawyers at a time, so total ng up to 15k per hearing or meeting at a time)
Para sa mga nademanda :
Acceptance fee : 190,000 petot. FIRM! (hahaha. parang nagtitinda lang sa sulit at ebay ah. pero bakit may butal? bakit di pa ginawang 200? hahaha.)
Appearance fee : 4,000 kada hearing PER DEFENDANT. e sampu ang defendants, dapat 40,000 per hearing.
Ang siste
- Di ba kasama sa nademanda sina OMGee, e bakit may acceptance fee pa at Appearance fee? Akala ko ba director din sila?
- Kung totoo ito, tila binibigyang "credence" o katotohanan nito na di talaga sila director ng brigada ni pareng Violet, kundi talagang mga BAYARAN para umattend ng mga meetings ng Association upang pagtakpan, pangalagaan at itaguyod ang mga personal na interes ni UBE.
- Kung nagkataon pala na nagtagumpay si pareng Branson Jong na ma-access ang pera ng Brigade, bagay na hindi pinahintulutan ng isang ginagalang nating lahat ng Past President, aba, malaki-laking pondo ang mababawas sa Brigade ah.
- Ang pricing ba nila OMGee ay sinunod lamang sa presyo ng Acceptance ng mga abogado ng mga nagdemanda? Mapapansin na hindi pipitsugin ang mga abogado ng mga nagdemanda, at sa hindi pipitsuging lugar nag-u-opisina, kaya more or less, understandable ang kanilang presyo. Pero para sa mga bagitong OMGee, naaayon ba ang kanilang presyo sa kanilang karanasan o "portfolio of cases"? Value-for-money kumbaga. Mahal ang sa mga nagdemanda dahil sila ay batikan sa kanilang larangan, pero sina OMGee, na may bumagsak pa sa bar at nagretake, may value-for-money ba o tila "nagatasan" ang mga nademanda?
- Ang "appearance fee" ba na 4,000 PER DEFENDANT, na aabot ng 32,000 per hearing sa walo (di na sinama sina OMGee na defendant din), ay naaayon sa rules ng Integrated Bar of the Philippines? Sa pagkaka-alam ko, naka-fix sa IBP ang maximum na pwedeng singilin ng isang abogado sa kada appearance nila ah. Mukhang sobra-sobrang pang-gagatas ang nagaganap. Kung sabagay, sabi nga nila reporma at hitler, madami naman pera sina Water Ludy.
Totoo ba ito?
No comments:
Post a Comment