Ayon sa pagtataya ng grupong NBI (nagkakaisang bumberong intrigero), tinatayang walong brigada lamang ang siguradong pupunta sa katapusan matapos magsipag back-out ang ilan sa mga kilalang mga brigada.
Ayon sa kanila, miski mga probinsiya ay hindi represented, mga tao lang nila ang aattend, and in their own personal capacity. Meaning, hindi nila dala ang pangalan ng brigada nila.
Nangingibabaw naman ang Binan sa dami ng kanilang mga pinareserbang mga lamesa. Mapuno kaya nila ito?
Ayon sa mga bulong bulungan ng mga bugwit, na nasagap naman ng mga kuting, pinag-aaralan na umano ng tropa ni Water Ludy kung paano maiiwasan ang kahiya-hiyang sitwasyon kung san madaming lamesa ang mababakante.
Matatandaang nasa 70 na table ang pinareserba sa Dragongate Seafood Restaurant para sa 28 ng Abril na daglian namang binago ng katapusan dahil nga sa kakaunting nagkumpirma ng pagdalo.
Kung magkataon, ito na ang pinaka nakakahiyang "induction" ceremony na gagawin sa kasaysayan ng Brigade.
Teka nga pala, Induction pa nga ba yun? Di ba na-induct na?
Anyway, isa umano sa plano ng grupo ni Water Ludy, sa suhestiyon naman ng kaniyang julalay na si Mary Eta ay ang pag-"subsidize" sa mga lamesa.
Gagawin daw ang ginawa ni Papa-6 nung nakaraan na kunyari, may isang "anonymous donor" ang magsa-subsidize ng mga lamesa. Gagawin na lamang daw halagang 4,000 kada lamesa, subsidized ang 3,500.
Paano naman yung mga nakapag bayad na? Ibabalik ba nila yung bayad?
At yung mga nagbayad, pupunta nga talaga kaya?
Anonymous donor nga ba kaya talaga o ipapa-sagot nanaman sa pondo ng Brigade ang "subsidy"?
Abangan!
mga kapatid kapamilya at kapuso may suggestion ako para mapuno sa april 30 ang golden gate imbitahan nalang ni mr violet ang txtfire member nya na ayon sa kanya ayhumigit kumulang na sa 2oothousand at db sabi nya brigade mayari nyan edi kumbidahin nya na at sya na rin magbayad at marami naman syang kinikita daw sa negosyo nyang kiampong at maki at ube hopia db mga tropapips dali iparating nyo na kaagad kay maam etsas ay mali maam tae pala ay mali na2man maam etat pala
ReplyDeleteang baho naman ng name nya hindi ba pwede gawing english para medyo sosyal bwaa harharhar
ReplyDeleteSir Screw... Hwag naman po ganyan... Eto pong blog ay para natin makita at mapag alam anu ang nangyayari sa Brigade. Wag naman tayo magtawag ng di magandang panagalan...Tama na po yun Mary etat...HOHOHOHOHO
ReplyDeletePero Tama ka, dapat invite ang Txtfire member siguradong punong puno yan at baka umapaw pa. sa pagka alam ko madami naman tiga brigade ang member ng textfire at ang uupong presidente ay iisa din member dun...May kasabihan ng tayong Namamangka sa dalawang ilog at kung saan mganada ang dalos dun siya....Tsk Tsk Tsk...Mga taong nga naman walang prinsipyo......
Ha? Member si Water Ludy ng Txtfire? E di kung ganun, parang sinubjugate na niya ang buong Brigade sa txtfire!?
ReplyDeleteKung presidente siya ng Brigade tas member lang siya ng txtfire, e di parang member na ng txtfire ang buong brigade?
Parang may mali ah...
Subsidize ba kamo??? Tapos may anonymous donor... Parang nangyari na dati yan... May anonymous donor nga nag donate sa 15 mesa na hinanada para sa mga bisita nun nakaraang ilang taon lang sa party sa isang sikat na Hotel. at yun anonymous donor ay si "BRIGADE"
ReplyDeleteAng brigade ang nagbayad ng P360,000 sa 15 table na para sa bisita ng Tiga Pasay...
Bakit Brigade gagastos diyan eh sila naman pumili ng Hotel ng paghahandaan...
Gusto nila mag pasikat...Gamitin nila Pera nila at di pera ng ibang tao......Tama ho ba...Nagtatanong lang po bayan.......
tanong ko lang... ang txtfire members ba eh personal membership o group membership?
ReplyDeletekailanagn ba na bumbero ka para maging meber ng txt fire?
sa pag-gamit ng pera ng brigade, sino-sino ba ang mga namamahala nito? kanino ba galing yung pera?
sino ba may karapatan para mag sabi kung saan gagamitin yung pera?
tanong ko lang....