Isang sulat ang ihinatid sa mga punong-himpilan ng mga brigada na kinabibilangan ng anim na nagdemanda kanina.
Ayon sa aking mga bugwit, ang sulat daw ay ihinatid ni Jun na operator at messenger ng Brigade. Ayon sa naturang sulat na pirmado ni EVP Water Ludy at SecGen Mary Eta, tinatanong nila sa mga brigadang San Juan Eagles, Novaliches, Metropolitan, Central District, Tutuban at Brixton Hills kung ang ginawa bang pagsampa ng kaso nila Eagle-3, Nova-1, Triton-BRAVO, Gryphon-ALPHA, Tutuban-KILO at Brixton-8 ay alam at pinahintulutan ng kanilang mga Board of Directors.
Tinatanong nila kung alam ba ng Board ng mga brigada nila ang ginawang pagsampa ng kaso laban sa grupo ni Water Ludy. Kung may Board Resolution daw ba na pinapayagan sila magdemanda. At kung ano daw aksyon ang ginawa ng brigada laban sa mga pumirma ng demanda.
Tanong ulit : Ang sulat ba na ginawa at nilabas nila EVP Water Ludy at SecGen Mary Eta ay may pahintulot ng Board of Directors ng Brigade?
Tanong pa : Bakit tinatanong ang mga brigada kung may pahintulot ng board nila ang demanda, e samantalang di naman dala ng mga nagdemanda ang pangalan ng kanilang grupo kundi nagdemanda sila "on their own personal capacity" bilang mga miyembro ng Brigade.
Mukhang ang gusto nanaman nila gamitin ngayon ay ang By-Laws na pabor sa kanila.
Another example of Double Standards.
Is this the kind of leadership we will be looking forward to in the next two years?
Agree ako na may kakayahan sila na mag demanda sa kanilang personal na kapasidad... una may mga pinag aralan naman at nasa tamang pag aasta sila
ReplyDeletePangalawa tayo ay nasa isang demokratikong bansa.. Pangatlo.. By-Laws na pabor sa kanila??? hahaha nag papatawa ata yung mga yun... SILA BA NAGTATAG NG APVFBI PARA SABIHIN NILA NA SILA ANG GUMAWA NG BY-LAWS NILA???
hahaha.. oo nga may karapatan nga tayong mga repormista at oportunista.. tanong ko nanam ginoong adolf, may piang aralan nga ba sila, pangalawa nasa tamang pagiisip ba sila pangatlo may naitulong, natulong at maitutulong bang maganda sa mga kasamahan ang mga ginawa, ginagawa at gagawin nila... hmmmmm ... baka naman personal na interes at galit ang mayroon sa kanila... .
ReplyDeletekasam pala diyan si Tutuban Kilo.. maganda ang kasysayan ng mga pag sapi niya sa mga ibat ibang asosasyon.. galing ng Alpha Brotherhood Fire Brigade, galing ng Manila Traders, galing ng FEPAG, galing ng Firewatch, galing ng Middle town, ngayon nasa Tutuban ... mula noon hangang napunta siya sa kasalukuyang asosasyon niya ano ang mga dahilan at natangal o tinangal si Tutuban Kilo... saliksikin upang malaman para maging balanse ang oportunista at repormista... alamin maigi.... SINITCH ITITCH... si Tutuban Kilo Itich
ReplyDeleteWalang taong perfekto... Sa buhay ng isang tao darating na magkakamali siya at matuto sa pagkakamali niya...
ReplyDeleteDami nga sinalihan ni Tutuban Kilo ah ngunit sa isang pader may sarili na siyang Fire Tanker... Kaw Sir reporma... anu sa palagay niyo??? Tinangal kaya siya??? O siya ang nang tangal sa kanila???