Ayon sa mga di mapagkakatiwalaang "sources", isa umanong demanda ng Panunumpa ng Walang Katotohanan (Perjury) ang isasampa laban kay Sec Gen Mary Eta bukas, araw ng lunes sa Piskalya.
Ito umano ay tungkol sa mga papel na sinumpaan ni Sec Gen Mary Eta na gawa-gawa lamang ang nilalaman. Dalawang bilang (o two counts) of Perjury daw ang isasampa laban sa kaniya bukas.
Kung ano ang dokumento na kaniyang sinumpaan ng walang katotohanan ay malalaman natin bukas.
Panibagong usapin nanaman ito para sa pamunuan ng Brigade, at ayon sa mga di pa maverify na ulat, pinaalis na umano ni Sec Gen Mary Eta ang lahat ng dokumento sa Brigade na maaring makapag-dawit sa kaniya sa mga kaso. Wala na umanong kahit anong dokumento ang naiwan sa Brigade, maging mga records ng mga kasapi.
Kung totoo ito, pwede ba gawin ng Sec Gen na iuwi o dalhin sa kahit saang lugar maliban sa tanggapan ng Brigade ang mga papeles na nasa kaniyang pangangalaga? Di ba dapat nasa Brigade lang ang mga ito?
May itinatago ba si Sec Gen?
Ang unang pilit na itinatago daw ng grupo ni Madam EVP Water Ludy ay ang mga Records ng mga kasapi lalo na ang mga Provincial Chapters dahil gusto di-umano nila pababain ang numero ng mga kasapi ng Brigade na masasama sa bilangan kung sakaling kailanganin.
Kung totoo ito, paano natin malalaman kung sino ang mga member ng Brigade kung walang record na naiwan dito? Paano pag may hindi magandang mangyari sa isang kasapi, paano siya mabibigyan ng kaukulang tulong kung walang patunay sa kaniyang pagiging kasapi?
Tama ba ito?
Abangan!
tama ba mga kaibigan....hindi na reporma o oportunista ang nabasa ko sa itaas... itoy' personal vendeta na???? nalilito ako sa oportunista at repormista... repormista pagbabago... oportunista pagsasamantala... ano meron ... your honor....
ReplyDelete