Sunday, April 3, 2011

White Paper Part Five

BALUKTOT ANG SYSTEMA
·         Ayon sa gusto nilang ipairal na systema, mawawalan ng boses at representation ang mga kasapi sa mga probinsiya. 
·         Batay sa gusto nila, ang mga provincial members ay hindi maaring mahalal sa kahit ano mang posisyon sa Brigade. 
·         Para san pa at naging kasapi sila ng Brigade at nagbayad ng Membership Fee kung di naman pala lahat ng karapatan na naaayon sa iba pang mga kasapi ay makukuha nila?
·         Double standard ang pinapairal.  Pag pabor sa mga Oportunista, ang Chinese By-Laws ang ginagamit.  Pag yung English bylaws ang pabor sa kanila, yun ang gagamitin;
·         Ang mga NCR chapters ay maaring magkaron ng hanggang anim na representative, samantalang ang mga nasa probinsiya ay hanggang dalawa lamang;
·         Ang pagpili ng Fire Marshall at Communications Committee head ay nais nila na maging by Appointment ng sitting President.  Ang assumption nila dito ay para daw maganda ang relasyon ng Presidente at ng Fire Marshall/Communications Committee Head;
·         Ang problema, paano kung ang mapili nila ay di naman kuha ang suporta ng mga nasa Operation?  Di naman alam ng presidente ang nangyayari sa operation.  Maganda man ang relation nila, ang mas nangingibaw na importansiya ay ang relation ng mga nasa operation at ng fire marshall/communications chairman;
·         Walang accounting ng pondo.  May bank account na binuksan si pareng UBE na hindi alam ng mga Director.  May mga pumasok na pera dito na kung hindi nabuking, ay hindi isusurrender ni Ka UBE sa Brigade.  Tanong :  Sino ang nag-otorisa na magbukas siya ng bank account sa PANGALAN ng Brigade?  Sino ang mga signatory nito?  Bakit nila ito inilihim?  Kung nagbukas ng bank account, siguradong may Secretary’s Certificate.  Sino ang pumirma dito at siguradong walang Board Resolution na nagpapahintulot nito!?
·         Nang maramdaman ni Ka UBE na madami na ang mga nagtatanong at sumisilip sa kaniyang mga ginagawa, pinasok niya bilang Director ng kaniyang paco Volunteer Fire Brigade ang dalawang abogado (Omar at Gregorio) upang mangalaga sa kaniyang pansariling interes;
·         May mga paratang na ang dalawang abogadong ito ay di tunay na director ng brigada, bagkus ay nagpapanggap lamang na mga director upang mabigyang bisa ang kanilang pagattend sa mga meeting ng director sa brigade.  Sila umano ay tumatanggap ng “appearance fee” sa tuwing aattend sila ng meeting.  Siyempre nga naman, sila ay mangangalaga sa pansariling interes ng kanilang kliyente na si Mr. UBE kaya dapat talaga may bayad;
·         Labis na pinagpipilitan ng mga Oportunista na ang Chinese By-Laws daw ang siyang ating sinusunod mula pa noong itinatag ang Brigade.  Totoo ito.  Lahat, maging ang mga Reformist ay sumunod dito ng walang pagaatubili at pagaalinlangan at talaga naming walang problema ang mga Reformist dito.  Sa totoo lang, di naman na dapat malalaman ng mga Reformist at iba pang kasapi ng Brigade na may dalawa palang By-Laws.  Na may “Chinese By-Laws” at “English By-Laws” na siyang nakarehistro at inaprubahan ng ayon sa Batas.  All along, lahat ay sumusunod dahil wala naman ibang alituntunin.  Bakit pala lumabas ang English By-Laws?  Ang English By-Laws ay lumabas nang napagkasunduan nila Pareng UBE at mga Oportunista na ipapasok si Mareng Lily bilang Presidente.  Siya ay pilit na pinasok bilang Vice-President.  Noon pa man, nanindigan na ang ilan sa mga Director na hindi ito pwede at labag sa sinusunod na “By-Laws” (bagay na di naman alam na illegal pala ang pagsunod dito).  Ayon sa Chinese By-Laws, hindi maaring maging officer ng Association ang sino mang representante ng mga Provincial Chapters.  Ang ginawa ni pareng UBE, sa pamamagitan ng kaniyang dalawang abogado, ay inilabas ang English By-Laws, at sinabing bilang siyang nakarehistro at inaprubahan ng pamahalaan, siya ang dapat masunod;
·         Nanahimik ang karamihan tungkol dito.  Sino nga ba naman sa Brigade ang ayaw sumunod sa batas?

Ang problema dito, sa bawat usapin na nagkakaproblema, ang sinusunod ng mga Oportunista na By-Laws ay ang alin mang mas pabor sa kanilang pansariling interes.  Kapag ang English By-laws ang pabor sa kanila, yun ang kanilang susundin.  Kapag ang nakasanayang Chinese By-Laws ang higit na mas kapakipakinabang sa kanila, yun ang kanilang susundin.  Nagkakaron ng Double Standard, kung saan nakokomprimiso ang integridad ng Association.

1 comment:

  1. ang hirap niyan dalawang by-laws pala... sana may ilonggo by0laws gid....

    ReplyDelete