Sunday, April 3, 2011

White Paper Part Three


WALANG SUPORTA NG KARAMIHAN
Pilit na pinapalabas ng mga Oportunista na ang pagsampa ng demanda ay walang mandato ng nakararaming kasapi ng Brigade.  Subalit, ngunit, datapwa’t – ang pagsasampa ng kaso ay sinusuportahan ng mga opisyales ng higit sa nakararaming pinuno ng mga kasaping brigada.  Bagaman ayaw nilang lumantad dahil sa sari-saring dahilan, ang pagdedemanda sa mga Oportunista ay tunay na sinusuportahan ng mas nakararaming brigada.  Sino lang ba ang mga pihadong kagrupo ng mga Oportunista?  Di ba’t ang sarili nilang mga brigade lamang?  Ganun pa man, kahit mga kasama nila sa kanilang mga sariling brigada ay balisa at asiwa sa maling pamamalakad at makasariling hangarin ng mga Oportunista.  Karamihan sa mga brigade ay tahimik na sumusuporta, tawagin natin silang “SILENT MAJORITY”.  Madami sa mga director ng Brigade ang hindi dumadalo sa pagpupulong na ginagawa sa bawat bwan.

Alam ito ng mga oportunista kung kaya naman patuloy ang pang-gagapang na ginagawa nila, lalo sa mga provincial members na malayo sa Maynila.  Pilit silang nagpapakalat ng mga maling impormasyon at nangangako ng kung ano ano sa mga brigada, makuha lamang ang suporta nila.  Pinapakita lamang nito na desperado sila makuha ang suporta ng mga kasapi sapagkat alam nila na wala sa kanila ito.

Ikaw, anong alam mo tungkol sa kaso?  Anong impormasyon ang nakarating sayo kung bakit nagkaron ng kaso?  Siguro by now, natanggap niyo na ang kopya ng demanda na sinumite sa korte.  By now, nabasa mo na kung ano ang nirereklamo ng mga Reformist.  Ang tanging gusto ng mga Reformist ay iwasto ang pamamalakad ng Brigade.  Ibigay ang pamamahala sa mga tao na may mandato at walang pansariling interes.  Mga tao na hindi kukupit ng pera o gagamitin ang pangalan ng Brigade sa pansariling pagpapasikat.

No comments:

Post a Comment