AYUSIN INTERNALLY
Hindi nagkulang ang mga Reformist sa paghahanap ng maayos, mapayapa at matiwasay na pamamaraan upang maayos ang usapin sa level ng Brigade. Sa totoo lang, sobra-sobrang pagpapakumbaba at pagbibigay na ang ibinigay ng mga Reformist sa mga Oportunista. Ang pagsasampa ng kaso ang siya na lamang natirang posibleng paraan para mapakinggan at mabigyang aksyon ang hinaing ng mga Reformist.
- · Taong 2005, ng kwestiyunin ng karamihan ang pagupo ni Mr. Ube bilang President, Fire Marshall at Communications Chairman (parang kape na 3-in-1). Sa isang salo-salo (dinner) na kaniyang ipinatawag, nangako si Mr. Ube na hayaan lamang muna siyang maupo ay aayusin niya daw ang sistema ng brigade. Nang makaupo na ay hindi na niya binigyang pansin ang hinaing mga Reformist;
·
- Tatlong taon na ang nakakalipas at sa halos bawat meeting ng mga director, pilit hinahain ng mga Reformist ang kanilang mga hinaing subalit nababalewala lamang ng pamunuan at isinasantabi hanggang sa mapaglipasan na ng iba pang usapin;
- · Isang halimbawa na lang ay ang “perennial” na issue sa pagpili ng Fire Marshall. Bagamat ginagalang natin ang “prerogative” ng Presidente na pumili ng Fire Marshall, di ba’t ang “prerogative” na ito ay dapat magbigay daan sa kaligtasan at kapakanan ng mga operatiba ng Association na nasa baba? Halimbawa na lamang ay ang pagpili ng isang Fire Marshall na walang suporta o hindi ginagalang o pinaniniwalaan ng mga bumbero, paano na lang ang mangyayari sa operation natin? Andiyan na ang dating pareng UBE na nung siya ay Fire Marshall ay ni isang beses ay hindi nakita sa sunog. Nalalagay sa peligro ang kapakanan at kaligtasan n gating mga volunteers. Bilang pagsasalarawan, sa isang sunog na General Alarm sa Agham Road ilang panahon na ang nakalilipas, pinutulan ng supply ng isang brigada ang mga truck na nakabungad na member ng brigade. Nang tanungin kung bakit pinutulan sila, ang sagot ng opisyal ng naturang brigada (na hindi member ng Brigade, kundi member ng “kabilang” asosasyon), “utos ng fire marshall namin! Divert lahat ng tubig sa mga ka-asosasyon namin. Kung may problema kayo, yung fire marshall niyo makipag usap sa fire marshall namin!” Ano nga naman ang pwedeng gawin ng pobreng member ng brigade? Kanino siya hihingi ng ayuda samantalang wala sa fire scene ang Fire Marshall na si Ka UBE. Ikaw, nakita mo na ba sa fire scene si Mr. UBE?
- · Pagdating naman sa communication, pilit na gustong malaman ng mga Reformist ang communications set-up ng brigade. Bagay na pinagtatakpan at ayaw ipaalam ng mga Oportunista. Kayo mismo na umaattend ng meeting, either sa Fire Chief / OIC meeting o sa meeting ng Directors. Ilang beses na ba nai-raise ang issue ng communication, kung bakit ayaw ipaalam kung asan ang mga site ng mga repeater o mga link? Mamaya mas hihimayin natin sa mga susunod na kabanata ang issue na ito.
- · Miski sa huling eleksyon, pilit na niri-raise at gustong isaayos ng mga Reformist ang proseso sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang alituntunin, subalit gaya ng dati, na-overrule sila ng mga oportunist na siyang may hawak ng Mic at Batengteng.
Kung ikaw ay umaattend sa mga meeting ng Director at Fire Chief/OIC, sigurado ako na alam mo kung ano ang ibig sabihin ng mga tinuran sa taas. Hindi nagkulang ang mga Reformist na i-“explore” ang lahat ng paraan upang maisayos ang problema sa level lang ng Brigade. Subalit nagbingi-bingihan at nagsawalang bahala ang mga Oportunista. Masyado silang naging kampante sa kanilang mala-diktador na pamamahala sa Brigade.
No comments:
Post a Comment