Saturday, April 2, 2011

Ayon sa aking bugwit

Nagkaroon daw ng emergency Standing Committee meeting sa Brigade noong isang araw.

Sa mga di nakakaalam, ang Standing Committee ay kinabubu-uan ng mga Past Presidents ng Brigade.  Mga taong ginagalang at pinagpipitagan nating lahat, bilang mga Past Presidents.
Ang kanilang agenda daw ay ang nakasampang kaso sa korte na kinakaharap ng grupo ni Madams Mary Eta at Water Ludy.

Ayon sa aking bubwit, bagama't ang ipinatawag ay Standing Committee meeting, ang mga dumalo ay sila Water Ludy, Mary Eta, asawa niya, Papa-6, Papa-1, Branson Jong, Subic-ALPHA, Ka UBE, South-28 at Carlos Orocan.
Sa lahat ng mga umattend, si Ka UBE, Papa-6 at Papa-1 lang ang Past President.

Ano ang napagusapan?  Bago ito, nakapagtataka at nakakainis isipin na ito ay Standing Committee meeting, bakit may mga HINDI PAST PRESIDENTS?  Ayon pa sa aking bubwit, ang nagdominate daw sa usapan ay ang mga hindi naman member ng committee gaya ni Branson Jong.  
Mungkahi umano ni Branson Jong na yung mga brigada nung dalawang baguhan na pumirma sa demanda ay tanggalin na sa Brigade (Central District at Metropolitan Composite) dahil kabago-bago daw nila e nakiki-alam sa nangyayari sa Brigade, mga wala naman alam.

May punto si pareng Charles Branson, kaya lang mukhang ito ay may tulog.  Hindi naman yung Brigada ang nagdemanda at personal na kapasidad naman nila ang pagdedemanda sa isang bagay na sa tingin nila ay mali.  Ito naman ay isang garantisadong karapatan ng sino man, kahit siya.  Martial Law na ba sa Brigade?

Kalaunan, napagdesisyunan DAW na di lang yung dalawang bago ang tanggalin kundi lahat ng anim na brigada na pumirma.  

Tama ba ito?

May point si Charlse Branson dun.  Nanggugulo nga naman sa Brigade.  Pero teka, nanggugulo nga ba o gusto lang itama ang mali?

Isa pa umanong natalakay sa nasabing meeting ay ang suggestment ni Papa-1 kay Mary Eta na iatras na kasi nito ang kaniyang kaso laban kay Eagle-3 (kasong unjust vexation, grave threat, damage to property, etc.) para daw iatras na din nila Eagle-3 ang kanilang demanda.  Ito umano ay hindi tuwirang sinagot ni madam Mary Eta.

Abangan ang susunod na kabanata.

7 comments:

  1. sa kabuuan ng meeting, di daw nagsasalita si Ka UBE. Nakikinig lang daw. bakit kaya? Masaya kaya siya sa nangyayaring gulo sa Brigade? Kung sabagay, pag nagunaw ang Brigade, siya ang wagi. Isipin mo nga naman, pwede na niyang sabihin na siya ang may pinakamalakas na grupo ng mga volunteers, dahil sa text fire niya. tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
  2. Eto lang naman ang aking opinion....
    Una wala silang karapatan na tanggalin sa isang organisasyon ang mga grupong kumokontra sa maling pamamalakad.. kelangan din naman idaan sa tamang proseso ang mga iyon... Kung sa bagay halatadong halatado na naman sa kanila ang pagiging insecure sa lahat ng bagay eh..

    ReplyDelete
  3. tama idaan sa tamang proseso... ang tanong nagugulo nga ba sila o pinagugulo lang nila... nakakatulong nga ba sila? iakw kaibigan... nagugulo ka ba o nakikigulo??? may nagawa ba tayo na para ayusin ang magulo upang di na magulo pa... o sadyang likas sa mga lahi at ugali natin ang salitang "CRAB MENTALITY"...nagtatanong lang????

    ReplyDelete
  4. sa tingin nyo mga kaibigan pag tinanggal ang mga grupo n pumirma eh tapos ang ang problem? baka marami din umalis sa takot na pag nagsalita sila tatangalin din sila.

    ReplyDelete
  5. tama si kasey... reporma ang kailangan...angproblema nais nga ba magkaroon ng reporma???? may mga aalis nga kaya??? abangan ang susunod na kabanata

    ReplyDelete
  6. ang tanong ko lang, baket simula ng pumasok yun mga bago eh medyo mainit sila sa mga director?ano b mayron sa kanilang 3? kilala b ntin sila?

    ReplyDelete
  7. ano fafi e di endorso sila ni EAGLE 3...no ba yan simple equation that has single probability computation with in simple summation for logical analysis.....OBJECTION YOUR HONOR, may I go out...weweee lang....

    ReplyDelete