Dahil sa isinampang kaso sa hukuman na humihiling na ipa-walang bisa ang naganap na "succession" sa Brigade noong February 24, marami ang nagtatanong. Tuloy ba talaga ang Induction sa April 28 o hindi?
Ayon sa mga nagdemanda, malakas daw ang kanilang batayan kung bakit sa palagay nila, maibibigay ang Temporary Restraining Order (TRO) at Injunction na kanilang hinihiling, bagay na makakapagpapigil DAW sa induction.
Sa isang meeting naman ng grupo ni Mary Eta at Madam Water Ludy, SecGen at EVP respectively, napagusapan umano ng mga ito ituloy ang election dahil nakakahiya sa mga taong nakakaalam na. Kahiyaan na daw.
Kaninang umaga lamang, araw ng Sabado, nagutos si Mary Eta sa mga operator na palawigin ang Announcement tungkol sa gaganaping induction. Ito ay naka-schedule sa April 28, 7:00 PM at gaganapin sa Dragon Gate Restaurant.
Ito naman ay ganap at labis na ikinatuwa ng mga nagdemanda sapagkat tiwala din naman ang kanilang kampo na ibibigay ng hukuman ang kanilang hiling na TRO at Injunction. Ayon sa kanila, pag itinuloy ng grupo ni Madams Mary Eta at Water Ludy ang pagiimbita at pag aanyaya sa mga bisita para sa 28 at nabigyan sila ng Injunction o TRO, magiging kahiya-hiya daw sila sa mga inimbitahan.
Sa kabilang banda, pag naglabas naman ng TRO ang hukuman at ito ay tuwirang sinuway at hindi sinunod ng kampo ni Mary Eta at Water Ludy, ito ay magiging hayagang pag-contempt sa utos ng korte, at may karampatang kaparusahan tulad ng kulong at multa.
Ang tanong ngayon, tuloy ba ang induction o hindi?
KAHIYAAN NA DAW ITO!
Abangan ang susunod na kabanata.
Dapat ay hindi na lang naging sec-gen si MARY ETA.. kundi naging COMMUNICATION CHAIRWOMAN na lang kasi
ReplyDeletewow ! ! !COMMUNICATION CHAIRWOMAN
ReplyDeletemay ganun..................
may pupunta pb? malamang wala!
ReplyDeletedi natin alam kasey...maya nga ang mga repormista na akala natin di pupunta ay magpuntahan din... maganda sahil ang gusto lang natin mga repormista ay pagbabago..maaring isang daan ito tungo sa "tuwid na landas"
ReplyDelete