Wednesday, April 6, 2011

Ano ba talaga achi?

Lubos na nagugulumihanan ang tipak na ito sa mga natatanggap kong mga email, private message at text messages.

Ano ba talaga achi!?
Sabi ng isang Daga, hindi daw totoong nagresign si Papa-5 sa kaniyang pagka-Fire Marshall.  Bagay na aking inalam kung ano ba talaga ahia/achi!?

Ayon sa aking pagtatanong tanong, nagsubmit daw ng Resignation si Papa-5 kahapon sa Brigade.  Siya daw mismo ang nagpunta at nagpaabot ng kaniyang resignation letter.  Labis daw itong ikinagulat ng mga operator na duty ng mga oras na iyon.  Gaya ng utos sa kanila, agad naman nila itong itinawag kay Sec Gen at agad naman nitong iniutos na dalhin ang papel sa kaniya.

Kinagabihan umano, dagliang pinuntahan ni Sec Gen Mary Eta at Madam Water Ludy si Papa-5 upang pakiusapan ito.  Kung ano ang kanilang napagusapan, sila na lang ang nakakaalam.
Basta kanina, nagpa-announce ng announcement si Mary Eta tungkol sa Flower Offering at kaniyang sinabi na ang nagpapa-announce ay sina Papa-5 at Patriot-21.  Si Mary Eta na ba ang spokesperson nila Papa-5 at Patriot-21?

Bukod pa dito, daming tanong ang naglalaro sa isip ng mga taga-subaybay ng tipak na ito.
  1.  Hindi na ba si Madam Water Ludy ang nasusunod sa Brigade?  Pansin kasi ng ating mga tagasubaybay at bugwit na laging may overriding power si Mary Eta kay Madam.  Sino ba dapat ang masunod, si Sec Gen o si EVP daw ba?
  2. Nagresign ba talaga si Fire Marshall Papa-5?  Sabi DAW ni Mary Eta, di daw nagresign si Papa-5.  E ano pala yung pinareceive ni Fire Marshall sa Brigade kahapon na pinakuha nanaman ni Sec Gen.  (Teka, kinuha nanaman ni Sec Gen?  May balak ata siya maging kartero.)
  3. Kung di nagresign si Papa-5, ano pala ang "pinakiusap" ng taas kay Fire Marshall?
  4. Palagay na nating "napakiusapan" si Fire Marshall, paano ipapaliwanag ang pagpapa-announce pati ng callsign ni Patriot-21?  
  5. Kahit hindi nagresign si Patriot-21, di ba it only follows na since wala na ang brigada niya sa brigade, wala na din siya connect sa Brigade di ba?  Di ba sabi ito nila torney?  Na ang member DAW ng association is yung brigada, at hindi daw yung tao.  E pano ngayon yun?
  6. Assuming, without conceding, and just for the sake of argument (sabi naman ng abogado nila reklamador) na pareho pang member ng Brigade sila Papa-5 at Patriot-21, bakit naman kailangang "IDIKTA" ni Mary Eta sa mga operator na ang announcement ay galing 'kuno' kay Fire Marshall at Communications Chief?  Di ba kayang magsalita ng sarili nila sila Papa-5 at Patriot-21?
  7. Bakit kailangang gumamit ng callsign ni Mary Eta, e may callsign naman siya.  Pwede naman niya pasabi na "Message from Prime-DELTA", siya naman nagpa-announce.  Ito ba ay para palabasin na all-is-well?
  8. Bakit walang utos na nanggagaling kay Madam Water Ludy?  Bakit laging si Mary Eta na lang?  Kung tutuusin, mas makikinig pa ang mga tao kung ang maririnig nilang may utos ay si Madam Water Ludy. 
  9. Si Mary Eta ba ang nagpapatakbo ng Brigade at hindi si EVP Water Ludy?
  10. Ano ba talaga ang "job description" ng Secretary General?  May batayan ba ito sa kahit na English o Chinese By-Laws?  Sa tingin kasi ni ****-7, overstepping na siya sa bounds ng duties and responsibilities niya.

 Ano ba talaga achi!?

No comments:

Post a Comment