Wednesday, April 27, 2011

Mga Direktor, nanindigan!

Sa kabila ng masugid na pakiusap ni Water Ludy at Mary Eta sa mga dating mga katropapips nilang mga Brigada, pati sa mga probinsiya, nanindigan ang mga ito na hindi dumalo sa moro-morong "induction" sa katapusan.


Sa isang "special meeting" na ginawa kagabi na dinaluhan ng Voltron brigades (13 lang po ang dumating, yung dalawa wala pa sa manila), napagkasunduan nila na wag suportahan ang gagawing okasyon sa katapusan.


Hindi pa malinaw ang position ng mga Provincial Members subalit apat na ang siguradong hindi susuporta dito.


Dahil dito, hindi lang magiging unang Babaeng Presidente si Water Ludy pag nagkataon.  Magiging unang presidente din siya na binoykot ang induction.  Kung magtagumpay ang Voltron sa kaso, magiging unang Presidente din siya na natanggal sa pwesto.  At pag hindi dumating ang mga VIP na inimbita, magiging unang presidente din siya na pati mga bisita, binoykot siya.  


Kay Water Ludy lang mangyayari na ganito kahiya-hiya ang Brigade, bagay na siya mismo ang may gawa.

Ika nga ng isang presidente ng isang brigada sa Silangang Kamaynilaan, "She brought this upon herself" daw.

Out of 70 tables na pinareserve, 44 lang ang confirmed na nabayaran.  17 pa dito ay nakapangalan sa Binan.


Ibig sabihin, lagpas kalahati ang mababakanteng mga lamesa.

Ang higit pang nakakahiya, may mga voltron officers na sadyang nagbayad ng mesa pero walang papupuntahing mga tao dahil sa mga huling pangyayari.  

May isa pa na nagsabing dalawang tao lang ang papupuntahin niya sa brigada niya, at ito ay para matiyak lamang na walang ibang uupo sa kanilang lamesa.

Baka daw kasi magpapunta ng mga "fillers" ang tropang UBE para magmukhang madami ang bisita.

Sa mga pupunta, kwentuhan niyo kami ha.

Ay, pupunta nga pala ako, para ako mismo makasaksi at nang maibalita ko sa inyo dito ang mga magiging pangyayari dun.

1 comment:

  1. Mga Ate at Kuya...
    Paano po natin gagalingin si Madam Water Ludy kung siya mismo walang galang sa sarili...

    Biruin niyo Presidente ng Brigade tapos member ng ibang grupo??? Paano kayo gagalangin ng mga tauhan niyo yan...

    Pwede ba 2 asawa niyo?? Tanong lang po madam?? Sa legal natural na bawal pero sa illegal pwede kahit 10 pa...

    Hindi ho ba napag usapan ninyo ata sa meeting na TINANGGAL ang Txtfire sa brigade.... Bakit po kayo sumali pa dito???? Dinala niyo pa pangalan ng brigade????

    Aba Aba Madam.... Alam ba ng Board of directors ng brigade ginagawa niyo o yun mga Direcotr NIYO lang ang nakak alam???

    NAGTATANONG LANG PO???

    ReplyDelete