Monday, April 4, 2011

White Paper Part Six

TARGET DAW ANG FOUNDATION
Isa sa mga pinaparatang ng grupo ng mga Oportunista ay ang pagkakaroon umano ng interes ng mga Reformist sa Foundation.  Bago natin sagutin ito, mahalagang malaman kung ano ba ang Foundation?

Ang Foundation ay isang Parallel-Organization ng Brigade na ang pangunahing layunin ay ang tugunan ang mga dagliang pangangailangan ng mga kasapi, gaya ng pag may nasugatan o may nasawi sa mga responde.  Karamihan sa donation ay dito pumapasok, at sa huling pagtataya, malaki  na ang pondo ng foundation.

Kung tutuusin, sino sino lang ang pwede mangasiwa ng Foundation?  Ayon sa sinusunod na alituntunin, ang mga manngangasiwa ng foundation ay ang mga Past Presidents.  So paanong magiging target ng mga Reformist ang foundation samantalang ganun na ang set-up?  Ang tanging hangad ng mga Reformist ay mapigilan ang Ulterior Motive ng mga Oportunista.

Hayaan nating mahimay pa ng husto ang sitwasyon.  Ganang mga past president ang maaring umupo at mangasiwa sa foundation, tignan natin kung sino sino ang mga naging past president sa mga nakalipas na panahon.

          Ko Hu
Atty. Eusebio Go
          Johnny Tan Chiao
Chan Kim Hei
Antonio So Yap
          Gerrie Chua
So Seng
          Francisco Guevarra

At ating himayin ang mga susunod na mga magiging president :

          Lily Uy
          Juanito See (na nagresign)
          Mario Tan
Enrique Dy
          Anson Ong
          Jasper Ang

Kung ating susuriin, Puro mga tao nila ang mga nakapila na magiging presidente sa mga darating na panahon.  Sa totoo lang, ang Vice President na hinalal nung nakaraang Feb 24 ay magiging presidente 12 years from now kung susundin ang umiiral na kalakaran sa Brigade. 

Sa ganitong gawi, darating ang panahon na ang mga past president na mangangasiwa at mangangalaga sa brigade, at higit sa lahat sa foundation, ay magiging dominated ng mga tropapips ni pareng Ube.  By that time, maaring nagpapahinga na ang mga past presidents na may edad na at maaring di na gaanong aktibo sa pangangasiwa ng foundation.  Ating isipin kung sino-sino na lang ang matitira para mangasiwa sa foundation?  Di ba’t grupo na ni pareng UBE?

Sa kanilang pagbibintang na ito, lumalabas na sila pala ang may di magandang pakay sa pagpwesto ng kanilang mga tao.  Ni hindi naisip at malayo sa hinagap ng mga Reformist ang foundation, subalit sa tinuran ng grupo ng mga Oportunista, mapapansin kung ano ang kanilang iniisip.  Sabi nga ng isang sikat na kataga, “We usually suspect in others what we feel in ourselves”.

Sino ngayon ang may tunay na motibo sa paghawak sa Foundation?  Sino ngayon ang mas may higit na interes sa paghawak ng Foundation?  Sino pala ang mas makikinabang sa pag hawak ng Foundation?  Ang mga Oportunista ba o ang mga Reformist???  Ayon sa mga tinuran, mukhang ang mga Oportunista ang mas may higit na pansariling interes kung kaya ayaw nila maputol ang sinimulang “Dynasty” ni pareng UBE.

No comments:

Post a Comment