Thursday, April 7, 2011

Full Page Ad, ilalabas!


Ayon daw sa napagusapan kanina na kinabibilangan ng labing-isang pinuno ng mga brigada, maglalabas daw ng isang full page advertisement sa isang major daily upang kondenahin ang naganap na panlilinlang at pangloloko nila Water Ludy. 
 
Wala daw sila pakialam kung magkano abutin ang ad, ang mahalaga daw ay maisiwalat nila ang kawalanghiyaan (walang hiya daw?) ng grupo ni Water Ludy.
Patunay lang daw nito ang dirty tactics na pinairal tungkol sa usapin.

Ayon pa sa kanila, sila water ludy daw ay picture lang, isisiwalat daw nila lahat ng mga katiwalian na kinasangkutan ng mga nanumpang opisyal.

Isasabit din daw nila si Chief Justice sa naturang advertisement upang malaman niya ang subjudice na naganap.
Nauna na dito, isang sulat ang dagliang ipinadala sa Editor-in-chief ng pahayagang Manila Bulletin ng mga abogado ng mga Reformist (no relation to this blog).

Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng kabilang panig kung maganap nga ito?
Di ba labis na nakakahiya na ilalabas sa diyaryo ang pangalan mo na nagsasabing ikaw ay hindi lehitimong nahalal at patraydor na nanumpa sa tungkulin?

Ano na lang ang sasabihin ng mga kanegosyo nila?  Na sila ay gahaman sa pwesto at titulo?  
Siguro nga, sobrang laking benepisyo ang nakukuha nila sa Brigade kung kaya't pinapahalagahan nila ito.

What say you!?

5 comments:

  1. Naku naman mga Kuyang...
    Gastos na naman.. Donate niyo na lang sa mga brigadang nangangailangan....

    ReplyDelete
  2. tama ibigay sa mga nangangailangan... maging mapag kawang gawang mamamayan.... kaya hitler at kasey wag na makisawsaw, akin na lang ang grasya..... pang bayad ng abogado....hahahahahaha

    ReplyDelete
  3. Wag naman ganyan Sir reporma... Hating kapatid dapat lahat tayo....Hahahahaa

    ReplyDelete