Tuesday, April 5, 2011

Past President, sangkot sa kalokohan!


Isang aspiring Bugwit ang nagsumbong-sumbong kay bonggang-bonggang bong-bong kaninang umaga.

Ayon sa kaniya, isang Past President ang sangkot sa kalokohan sa Brigade sa kaniyang term.  
Nang hingian ng mga detalye, ang mga sumusunod ang kaniyang tinuran :

  1. Past President noong panahon na itinatayo ang ating pinagpipitagang "Brigade Building";
  2. Hanggang ngayon umano, wala pang inilalabas na Financial Report o Audit Report tungkol sa mga pumasok na "donation" as against the "expenses" sa pagpapatayo ng ating Brigade Headquarters;
  3. Nagpalit umano ng Bank Account si Past President para maikutan ang gagawing pag-audit, kung magkaroon man;
  4. Ang pagbukas daw ng bagong bank account na ito ay lingid sa kaalaman ng board of directors;
  5. May isang bank account daw na ginawa talaga para paglagyan ng mga natirang pera sa budget ng building, ito ay aprubado ng Board;
  6. Pero nung siya ang naka-upo, ginawa niya ang paglipat sa pera sa bagong account, lingid sa kaalaman ng Board
  7. Metrobank to China Bank daw ang ginawa

Sinitch Ititching Past President na ito?

Clue :  Magaling siya mag-english!  

Bakit tila di din kumibo ang mga Direktor noong mga panahon na iyon?  Naambunan din ba sila o naulanan?
Sabi ko sa tsismosong aspiring "Bugwit", ano naman ang pakialam mo diyan e di mo naman pera yan.  Sagot niya sa akin, "Galing yan sa mga donation sa Brigade.  Nagdonate sila dahil sa naniniwala sila sa ginagawa natin dito.  Kung malaman nila na nakurakot ang pera nila, di na sila maniniwala sa atin sa susunod."

Tama nga naman.

Kaya ngayon, ang tanong : Totoo ba ito o hindi?

Bakit nga ba ayaw magpa-audit ng mga opisyal ng Brigade?  Tunay nga na wala tayo pakialam at hindi nga naman natin pera yun, pero gaya ng tinuran ng aspiring bugwit, pag nabuking ito, lahat tayo sira!

Ito ba ay kasama sa mga gustong pagtakpan ng mga Officers ng Brigade kaya gusto nila by succession lang?  Para ba ito hindi malaman ng iba?  Sila sila lang ang may alam?

Nagtatanong lang po!

4 comments:

  1. Naku Naku'''''Malaking Halaga kaya ayaw paalam???
    Napag hatian na ng mga salarin???
    Mahigit 10 Taon na naklipas yun ah... Baka wala ng natira kaya di na kailangan i report..
    Nagtatanong lang po???

    ReplyDelete
  2. Overpriced na yung mga gamit sa loob ng brigade, may nabulsa pang sobrang donation? Ang galing magsolicit.

    ReplyDelete
  3. Di Bale kapatid... may Karma naman... ika nga eh Weather weather lang yan....
    Mang hati ka naman Lolo

    ReplyDelete