Thursday, April 28, 2011

Intensity-3, kabado kang talaga!!!

Maraming nakikinig noong isang gabi sa radyo ang biglang naglipatan sa "27" nang marinig ang shout ni Intensity-3.

Napag-alaman na galing si Intensity-3 sa isang "not-so-secret meeting" kasama sina dalaginding, 5, 18, charlie, alpha, delta, 10, atbp. kung saan pinagusapan ang magiging program sa Sabado.
Napag-alaman ito dahil may nakakita sa kanila sa isang lugar sa isang sikat na lugar sa Timog-kamaynilaan at siya ay umupo sa likod mismo ng kanilang inuupuan.


Napicture-an pa nga daw ng ating bugwit itong grupong "secret society", o matatawag nating "midnight cabinet" ni Water Ludy habang sila ay naguusap usap.
Kung ano ang kanilang napagusapan ay sa ibang post natin ikukwento.

Anyway, matapos ang kanilang meeting, at matapos ihatid ni Intensity-3 si dalaginding sa kaniyang tahanan ay napadaan itong si Intensity-3 sa bandang Macapagal.
May nagsiga umano ng mga tuyong dahon at basura na siya namang kinatakot ni Intensity-3 kung kaya't nagradyo ito sa Brigade ng :

Intensity-3  :  Base Intensity-3
Base          :  Go ahead Intensity-3
Intensity-3  :  Base, grass fire location Macapagal Avenue
Base          :  TY sa info
Intensity-3  :  No, base, grass fire location Macapagal Avenue, malaki na ito!
Base          :  Copy, grass fire location macapagal avenue
Intensity-3  :  Base paglagpas lang ito ng Sea-Oil ha
Base          :  Grass fire location Macapagal Ave., paglagpas ng Sea Oil
Intensity-3  :  Base malaki ito ha, kung pwede yung mga unit, lumabas
silence

Intensity-3  :  Base, yung mga units kung pwede lumabas lang kasi malaki ito.
Base           :  Copy, available units daw, kung pwede pakirespondehan...  Malaki na daw as per Intensity-3

 Sa puntong ito, nagsipag-27 na ang mga tsismoso at tsismoso sa kanilang kyaw kyaw freq.  Nagusap usap na reresponde dahil nga si intensity-3 ay kanilang kaibigan na humihingi ng responde.  Pero walang nag Code-1 sa amin, kami ay nakiramdam pa rin.  Maya-maya...

"Base Pasay Code 1"

maya maya pa ulit

"Base Soler Code-1 ha, Center 5" 

maya maya pa ulit

"Base Pasay Tanker Code-2"

tsismisan ulit mga OIC.  Nagtataka sila kung bakit itong si Intensity-3 ay nagpapalabas ng mga unit samantalang ang sariling brigada niya ay hindi lumabas.  Kahiyaan na ata yun, 23 yung tao nila dun, at nataguriang "little fire chief" ng Prime, hindi lalabasin ng mga kasama niya e Roxas Blvd lang naman daan nila?

Anyway, hindi pa nakaka 23 si Pasay Tanker, shout ulit ang ating BoyToy Mimi.

"Base Intensity-3"

"Go ahead"

"Base, 10-12 na mga units ha.  Hindi pala grass fire, konting basura lang pala.  Mausok lang."


HALLER!!!

Ano ba iniinom niyo sa PRIME at puro kayo kabado?  

2 comments:

  1. Tao lang po...
    Talagang nagkakamali...Pero Huwag naman palagi...
    Mag Training Tayo uli... Nadiyan naman si Super Trainor Jomes Lim...
    Walang kwenta puro responde kung wala naman nagyayari di po ba???

    ReplyDelete
  2. tanong lang po mga bossing di ba si Intensity-3 member nang educator group? diba sir pag educator group ka kahit paano may alam ka mag size up nang sunog at wag matatarantan? isa pang tanong di ba po si mr. jones lim member di nang educator group? bumbero ba si jones lim ang alam ko magaling lang sa salita si mr. jones lim. kahit minsan di ko siya nakita sa 10-70. at may naka pag sabi sa akin kaya na wala ang mga dating educator ang dahilan ay di nila masikmura si jones. sayang pa naman ang mga dating member nang educator magagaling pa naman sila

    ReplyDelete