Sunday, April 3, 2011

White Paper Part One


Para sa lahat ng Kinauukulan!!!

Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit humantong sa demandahan ang usapin ng Brigade.  Madami sa mga nakarinig o naka-alam ang nagsabi na di na dapat pinaabot sa demandahan ang usapin at dapat daw ay pinagusapan o inayos na lang “internally” ang problema.  At may iba pa na nagsasabi na may motibong pansarili ang mga nagrereklamo.   
Samantalang may iba din na nagsasabi na kulang sa kaalaman ang iba sa mga nagdemanda, at di naman talaga alam ang issue kaya di na dapat sumali sa demanda at may iba pa din naman na nagsasabi na pinilit lang ang ilan sa mga nagdemanda na sumama sa paghahabla.

Para mas mahimay natin ang mga bagay bagay, tawagin natin ang grupo ng mga nademanda (Lily, et.al.) na grupong Oportunista.  Sa kabilang banda, tawagin natin ang mga nagdemanda na mga Reformists.

No comments:

Post a Comment